Carlo hindi inimbita anak sa wedding – Ex partner

KINUMPIRMA ni Trina Candaza na hindi nagparamdam ang ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino kung gustong padaluhin ng aktor ang anak nilang si Mithi sa kasal nito kay Charlie Dizon kamakailan.

Ito ang sagot ni Trina sa mga nagtatanong kung bakit hindi raw kinuhang flower girl ni Carlo si Mithi.

Sa kanyang latest vlog, sinabi ni Ogie Diaz na akausap niya si Trina at tinanong niya ito kung bakit hindi naging part ng entourage si Mithi.

“Tinanong ko si Trina. Sabi ni Trina, nasa kanya lang daw si Mithi. Baka daw ‘yung iba, ma-misinterpret na ‘di niya pinayagan, ha?” ani Ogie.

Dagdag ng showbiz insider, hindi raw umano nagtanong si Carlo kay Trina kung puwedeng dumalo si Mithi sa kasal.

“Carlo daw didn’t ask if pwedeng um-attend si Mithi. Pero kay Trina, e kung nagpaalam lang si Carlo, bakit naman daw ang hindi. E hindi nga nag-reach out sa kanya,” chika ni Ogie.

Ipinaliwanag ni Ogie na naiintindihan niya ang punto nina Trina at Carlo.

“Ako naman, naiintindihan ko rin naman si Trina kung saan nanggagaling at naiintindihan din naman natin si Carlo kung saan nanggagaling. Na baka ayaw niya munang gambalain at gusto niya ay focus lang siya sa anak niya ‘pag sila nagkita ni Mithi,” sey pa ni Ogie.

Wala pang paliwanag si Carlo kung bakit nga hindi niya isinama si Mithi sa kanyang kasal.