NIYANIG ng 4.2-magnitude na lindol ang Camarines Sur Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa tala, naganap ang pagyanig alas 10:08 ng gabi at natunton ito isang kilometro timog-kanluran ng Canaman, Camarines Sur, at tectonic ang origin.
Natala ang Intensity VI sa bayan ng Pili habang Intensity V naman sa Sipocol. Intensity III naman sa Iriga City, at Albay ay Intensity II at Intensity I sa Camarines Norte.
Bagamat walang inaasahan na aftershocks posible namang makalikha ng damage ang malakas na lindol.