NIYANIG ng 5.3 magnitude na lindol ang Cagayan Martes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang lindol ay naitala 26 kilometro hilagang-silangan ng Dalupiri island alas 4:03 ng hapon. Ito ay may lalim na 16 kilometro.
Naramdaman ang Intensity II sa Pasuquin, Ilocos Norte, habang Intensity I naman ang naitala sa Sinait, Ilocos Sur.
Sinabi naman ng Phivolcs na naitala ang instrumental intensity sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III – Aparri, Cagayan
Intensity II – Laoag City and Pasuquin, Ilocos Norte; Candon, Ilocos Sur
Intensity I – Batac, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur