Bus para sa fully vaccinated lang isinusulong

jammed traffic in gray scale photography

INIHIHIRIT ngayon ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion na dapat isulong ang mga bus na magsasakay lamang ng mga fully-vaccinated na pasahero.

Ito ang pararaan para tuluyang makapagbukas ang ekonomiya nang ligtas, paliwanag ni Concepcion nang ihain ng kanyang grupo ang nasabing suhestyon sa isinagawang konsultasyon kasama ang transport group nitong Huwebes.

Layunin nito ay para maitaas ang kapasidad ng mga pasahero kada bus na magdadala sa mga ito sa kani-kanilang trabaho at pabalik ng kanilang tahanan.

“Buses with fully-vaccinated passengers will give greater confidence to the commuting public and as the private sector is able to achieve micro herd immunity in the workspaces such as in our buildings, safe transport will also be assured from the home to workplace,” paliwanag ni Concepcion