ARESTADO ang buntis na Chinese na hinihinalang lider ng kidnap-for-ransom group na nag-ooperate sa bansa. Nasakote ng mga operatiba ng Bureau of Immigration ang hindi pinangalanang suspek sa isang condominium sa Pasay City.
“Nangingidnap sila ng kapwa nila Chinese dito sa Pilipinas. Siya ang kumokontak sa mga would-be victims nila, imi-meet niya somewhere. Pag nagkita na sila, nandoon na ‘yung mga kasabwat na lalaki, doon na nila dudukutin,” ani Rendel Sy, hepe ng BI Furgitive Search Unit.
Dagdag ni Sy, hihingan ng ransom ang pamilya ng biktima hindi ng cash kundi ng bitcoin. Sinabi ng opisyal na kahit buntis ay nahirapan sila matukoy ang kinaroroonan ng suspek dahil paiba-iba ang ginagamit nitong pangalan at address.
“Yung asawa niya, una nang nahuli ng Anti-Kidnapping Group at naka-detain na rin sa detention ng BI. Ongoing ang deportation proceedings kasi may iba pa siyang kaso dito,” wika ni Sy.