Bugaw ikinanta ng 4 anak

KALABOSO ang isang ginang na nahuli sa aktong nagbebenta online ng sex videos ng kanyang mga menor de edad na anak.

Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek makaraan nitong pumayag na mag-online show ang apat na anak, may edad 8, 9, 12 at 14, kapalit ng P3,000.

Nasagip naman ng mga otoridad ang mga bata.

Ayon sa NBI, noong 2020 pa nagsimulang magbenta ng mga maseselang video ng tatlo niyang anak ang suspek.

“Kasi minsan iniiwan ang bata na nakakasama ang foreigner sa session. Kung may instruction na kung anong ipagagawa sa kanya gagawin niya” ani Atty. Yehlen Agus, hepe ng NBI Violence against Women and Children Division.

Inamin ng suspek ang krimen sabay dagdag na maging siya ay sumasalang sa online show.

“Sumali ako sa dating app sa isang FB group, tapos nung una ako ang nagsho-show tapos after one year may nag-alok sa akin kung may batang nagsho-show tapos kumagat ako,” ayon sa ginang.

Paliwanag niya, wala siyang trabaho at mangingisda lang ang asawa.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong online sexual abuse, human trafficking at child abuse.