TRENDING ngayon sa social media ang video ng road rage incident sa Boso Boso, Antipolo City, Linggo, na nauwi sa suntukan at barilan.
Nakipagtalo ang isang lalaki na driver ng SUV sa dalawang lalaking nakamotorsiklo.
Nauwi muna sa suntukan ang away hanggang sa mamaril ang driver ng SUV.
Sa video na ngayon ay trending sa social media, ilang katao ang nabaril at bumagsak sa insidente, kabilang ang isang babae na kasama ng SUV driver.
Ayon sa paunang report, misis ng suspek ang isa sa nabaril.
Mabilis din na naaresto ang suspek ng mga kagawad ng Antipolo City Police.
Ayon sa kanya, nahuli na ang namaril nitong Marso 30 pero dahil sa dami ng pinaputok niyang bala ay tinamaan pati ang kanyang asawa.