NAGLAHO ang blue checkmarks ng ilang mga kilalang indibidwal na nagpapatunay na verified account nila ito sa Twitter.
Ilan sa mga kilalang tao na nawalan ng blue checkmarks sa kanilang Twitter account ay sina Pope Francis, US President Joe Biden, Pangulong Bongbong Marcos at maging ang soccer superstar Cristiano Ronaldo.
Sinimulan ni Elon Musk, may-ari ng Twitter, ang paglilinis sa social networking site sa mga accounts na hindi pa nakakapagbayad.
Matatandaan na sinabi ni Musk noong Nobyembre na magsisimula nang maningil ang Twitter ng $8 kada buwan para mapanatili ng isang account handle ang kanyang blue check mark status.
Gray check mark ang kasalukuyang meron si Francis, Biden at Marcos.
Bibigyan naman ni Musk ng gold check mark ang mga account ng mga nasa negosyo.