Biyuda tumalon mula sa puno, nasawi

LIMANG maliliit na anak ang naulila nang tumalon mula sa puno ng niyog sa Carmen, Surigao del Sur ang isang ginang na nakaranas ng depresyon makaraang sumakabilang-buhay nitong Pebrero ang mister.

Dead on arrival sa pagamutan ang biktima, 29, residente ng Brgy. San Vicente, dahil sa tinamo nitong pinsala sa ulo.

Ayon sa ulat, lasing na umakyat sa puno ng niyog na may taas na katumbas ng apat na palapag ang biktima. Habang nasa tuktok ng puno ay nakaidlip ang biktima at nang magising ay bigla itong lumundag.

May mga nakaabang na pansalo sa biktima pero hindi umano agad itong naagapan. 

Napag-alaman na nakaranas ng matinding kalungkutan ang biktima nang yumao ang asawa ilang buwan na ang nakararaan. May limang maliliit na anak ang ginang.