Bistek hinatulan ng 10 taon kulong dahil sa graft

HINATULANG makulong ng anim hanggang 10 taon si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil sa kasong graft.

Napatunayan ng Sandiganbayan 7th Division na guilty si Bautista at ang dating city administrator ng lungsod na si Aldrin Cuña kaugnay sa 2019 procurement ng Online Occupational Permitting Tracking System (OOPTS).

Sa 32-pahinang desisyon, diniskwalipika rin ng korte sin Bautista at Cuña na makaupo o makahawak ng posisyon bilang public servant.

Nag-ugat ang kaso dahil sa pagkuhani Bautista at Cuñ sa serbisyo ng OOPTS ng hindi aprubado ng konseho.

Wala namang ipinataw na multa ang korte laban sa dating mga opisyal dahil ang mga public funds na involved na nagkakahalaga ng P32 milyon ay natanggap na ng pribadong kumpanya na hindi naman sangkot sa kaso.