Bishop Ruperto Santos itinalaga ni Pope Francis bilang bagong obispo ng Antipolo

ITINALAGA ni Pope Francis si Balanga Bishop Ruperto Santos bilang bagong obispo ng Diocese ng Antipolo.

Ayon kay Archbishop Charles Brown, Apostolic Nuncio sa Philippines, ginawa ang pagkakatalaga kay Santos matapos magbitiw ang 75-anyos na Obispo na si Francisco De Leon na nagsilbi sa Antipolo Diocese simula noong 2016.

Si De Leon, 65, ay mula sa San Rafael, Bulacan at na-ordain bilang pari noong 1983 sa Archdiocese of Manila.

Bago pa ang kanyang assignment sa Balanga noong 2010, nagsilbi muna siyang Rector ng Pontificio Collegio Filippino sa Rome, Italy.

Siya ay kasalukuyang vice chairman ng Episcopal Commission for Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (ECMI) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).