Binatilyo minolestiya ng guro

HIMAS-REHAS ang lalaking guro na minolestiya umano ang kanyang 12-anyos na lalaking estudyante sa loob ng silid-aralan sa Sta. Barbara, Pangasinan.

Naganap ang insidente noong May 12.

Ayon sa biktima na isang Grade 6 pupil, pinapasok siya ng guro noong Linggo ng umaga para mag-practice para sa graduation ceremony.

Pero wala umanong pagsasanay na nangyari. Imbes, pinapasok siya sa isang silid-aralan at doon hinawakan ng guro sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Nagsumbong naman ang bata sa ina saka sila dumulog sa presinto.

“Umiiyak ang anak ko na nagsusumbong sa akin na, ‘Ayaw ko na pumasok dahil ang teacher ko bastos’,” ayon sa ginang.

Sinabi ng bata na nagsumbong siya sa ina sa takot na maulit ang pangyayari.

Sinabi ng pulisya na dati na umanong ginagawa ng suspek ang kalaswaan sa estudyante pero ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob na magsumbong ang bata.

Tumanggi naman na magbigay ng pahayag ang suspek.

Inireklamo na rin ng mag-ina ang suspek sa

Department of Education (DepEd) Region 1.