DADALHIN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa Korte Suprema ang isyu hinggil sa confidential at intelligence fund ng tanggapan ng Pangulo ng bansa.
Ito ay matapos ihain ang P10.6 bilyon panukalang confidential at intelligence fund ni Pangulong Bongbong Marcos, bukod pa sa panukalang P2.25 bilyon na OP’s confidential expenses.
Hirit ni Pimentel na tutol sa pagbibigay ng intelligence fund, hindi dapat paglaanan ng intel funds ang Office of the President dahil isa itong civilian state agency.
Dagdag nito ang OP ay “consumer and user” ng intelligence reports na hinahagilap ng defense at law enforcement units.
“Providing OP with intelligence fund is conceptually wrong … It is misplaced,” pahayag ni Pimentel.
Dahil dito, umapela si Pimentel sa mga abogadong aktibista na makipagtulungan sa kanya para maikasa ang kaso.