Billy sa publiko: ‘Kalma madlang people’

PINAYAPA ni singer-host Billy Crawford ang mga netizens na nangangamba sa bigla umano niyang pangangayayat.

Nitong Biyernes ay ibinahagi ni Billy sa Instagram ang larawan niya na may kalakip na “Me after getting jet lag. Kalma madlang people.”

Kamakailan ay nag-viral ang mga larawan ni Billy kung saan makikita na humpak ang pisngi at tila numipis na ang buhok.

Agad namang klinaro ng misis niya na si Coleen Garcia na kuha ang mga pictures ni Billy nang umuwi ito ng Pilipinas mula sa France.

Wala ring dapat ipag-aalala ang mga fans dahil maayos ang kalusugan ni Billy, dagdag ng aktres.

“Medyo ngarag lang cause we’ve both been working more than usual while balancing a lot of things. Lalo na si Billy. He’s out of town now overnight lang, but he just came from France for a month, then he’s leaving for the US next week. He’ll mostly be in France again for the remainder of the year, ang daming travels,” sambit ni Coleen.