NAGBABALA na si Interior Secretary Benhur Abalos laban sa mga kandidato na mamimili ng boto ngayong darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Anya, hindi na cash ang bilihan at bentahan ng boto dahil ngayon ay idadan na sa e-wallet ang mga ito sa pag-aakalang hindi sila mabubuking, ayon kay Abalos.
“I am therefore warning these crooked politicians: Do not even think about it. We will go after you and make sure that you will be punished for cheating in the elections,” ayon kay Abalos.
Anya, nakipag-ugnayan na ang departamento sa mga e-wallet platforms na GCash at Maya para matunton ang mga indibidwal na bibili at maging ang magbebenta ng kanilang boto sa Lunes.
Inatasan na rin anya ang mga e-payment platforms na ito na imonitor at tukuyin ang mga suspicious activities na may kinalaman sa vote-buying at suspindihin ang kanilang mga accounts.