Bilang ng walang trabahong Pinoy bahagyang tumaas noong Setyembre

MULA sa 4.4 porsiyento unemployment rate sa bansa noong Agosto, umakyat ito sa 4.5 porsiyeto nitong Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority reported Wednesday.

Sa isinagawang survey ng PSA sa 11,156 households, umabot sa 2.26 milyong Pinoy ang walang trabaho o walang pinagkakakitaan noong Setyembre, mas mataas sa 2.21 milyon na naital noong Agosto.

Samantala, naitala naman ang 5.11 milyong Pinoy ang underemployed noong Setyembre, mas mababa sa 5.63 milyon noong Agosto, o 10.7 porsiyento mula sa dating 11.7.