BUMABA sa 3.5 porsiyento ang unemployment rate sa bansa nitong Pebrero mula sa 4.5 porsiyento na naitala noong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, mas mababar rin ito sa 4.8 porsiyento na naitala noong Pebrero 2023.
Sa tala, bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa 1.80 milyon mula sa 2.47 milyon noong Pebrero 2023 at 2.15 milyon noong Enero 2024.
Samantala, ang bilang ng mga may trabaho ay pumalo naman sa 48.95 milyon nitong Pebrero, mas mataas sa 48.80 milyon na naitala noong Pebrero ng nakaraang taon at 45.94 milyon naman nitong nakaraang Enero.