BAHAGYANG tumaas ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa ulat, 2.47 milyong Pinoy ang walang trabaho sa datos na nakalap nitong Pebrero, higit na mas mataas sa 2.37 milyon na naitala noong Enero.
Gayunman, nananatili sa 4.8 porsiyento ang unemployment rate ng bansa.
Samantala, may 6.29 milyon naman ang naitala na bilang ng mga Pinoy na naghahanap ng dagdag trabaho para sa dagdag kita na maiuuwi sa kanilang bahay, mas mababa ito sa naitalang 6.65 milyon noong Enero.
Dahil dito, nasa 12.9 porsiyento ang underemployment rate, mas mababa sa 14.1 porsiyento na naireport noong Enero.