UMAKYAT sa 2.38 milyon ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho nitong nakaraang Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa report ng PSA, umabot sa 4.7 porysento ang unemployment rate nitong Hulyo, mas mataas sa 3.1 porsyento na naitala noong Hunyo na 1.62 milyon.
Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang bilang ng mga walang trabaho na indibidwal ay mga may edad 15 pataas.
Ang underemployment naman ay 12.1 porsyento o 5.78 milyong Pinoy na kailangan humanap ng dagdag na trabaho para matustusan ang gastusin ng pamilya.
Mas mababa naman ito kaysa sa naitala noong Hunyo na 6.08 milyon.
Sa tala, may 50.7 milyong Pinoy ang nasa labor force nitong Hulyo, mas mababa sa 51.9 milyon na naitala noong Hunyo.