BUMABA ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Nobyembre 2023.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 3.6 percent ang employment rate, mas mababa sa 4.2 percent na naitala noong Nobyembre 2022.
Sa tala, umabot lang sa 1.83 milyong Pinoy ang walang trabaho noong nakaraang Nobyembre kumpara sa 2.18 milyon na nairekord noong Nobyembre 2022.
Sinasabi na ito ang lowest unemployment rate sa bansa sa loob ng dalawang dekada.
Samantala, nanatili naman sa 11.7 percent ang underemployment rate, o bilang ng mga Pinoy na naghahanap ng karagdagang trabaho, noong Nobyembre, gaya nang naitala nang sinundang buwan, ngunit mas mababa sa 14.4 percent noong Nobyembre 2022.
Sa rekord, umabot sa 5.79 milyon ang underemployed.