BUMABA sa 3.9 porsiyento ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA)ngayong Martes.
Mas mababa ito sa 4.1 porsyento na naitala noong Abril.
Sa tala, may 2.03 milyong jobless Pinoy nitong Mayo, mas mababa sa 2.06 milyon noong sinundang buwan.
Samantala, bumaba naman sa 13.1 porsyento ang bilang ng underemployment noong Mayo, mas mababa sa 14.6 porsyento noong Abril.
Ayon sa PSA, bagamat maliit lamang ang improvement, isa pa rin anya itong positibong ulat na nagpapatunay na patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang economic recovery para higit pang makalikha ng dagdag na trabaho sa gitna ng patuloy na pagtaas ng implasyon at global uncertainties.