BAHAGYANG tumaas ang bilang ng krimen sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon ngayong papasok na ang holiday season, ayon sa PNP.
“Sa mga ganitong panahon ng kapaskuhan ay nagkakaroon po talaga tayo ng mga slight increase pagdating po doon sa mga tinatawag nating crimes against property, particularly ‘yan pong theft at robbery,” aniya ni PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo.
Ayon kay Fajardo, madalas nangyayari ang krimen sa matataong lugar gaya ng palengke at public transport terminals.
“Dahil nga po doon sa inimplement nga po na adjusted mall hours ay nag-adjust din po ng deployment ang ating PNP, particularly doon po sa mga areas na may mga malalaking mall po tayo, para magabayan din po natin ‘yung ating mga kababayan at makatulong din po tayo sa pagbabantay, lalong-lalo na diyan sa mga malalapit sa mga areas kung saan talagang nakikita natin na may dagsa po ng mga tao,” sinabi ni Fajardo.
Kasalukuyang nasa normal alert ang Metro Manila ngunit asahan na itataas ito sa pagsapit ng Disyembre.