BASE sa tala ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot na sa 9,568 ang bilang ng mga insidente ng sunog sa bansa mula Enero hanggang Mayo 10.
Ayon kay BFP spokesperson Senior Superintendent Annalee Atienza, mas mataas ng 40.4 porsyento ang bilang ng mga fire incidents kumpara sa kaparehong panahon noong 2023 na nasa 6,815.
“Ang top causes of fire natin ay ito pong open flame from rubbish fire or bonfire going to structural fire; pumapangalawa po ay ang smoking o ang lighted cigarette; at nasa pangatlo po ay another open flame, ito naman po ay from farmland or agricultural land na kasama po sa clearing operations – iyan po ang tatlong top causes natin,” ani Atienza.
Nito lamang Lunes, tatlong sunog ang naitala sa Maynila.
Tinupok ng apoy ang ikawalong palapag ng
Ritz Royal Tower sa Camba st., Binondo; ang tatlong-pinto na apartment sa Masbate st., Sampaloc; at ang ilang barong-barong sa kanto ng Benitez at San Andres streets sa Malate.