IBINAHAGI ng aktres na si Bela Padilla ang karanasan niya sa pagsakay sa London Metro o Tube na ikinadismaya niya.
Kalakip ang serye ng mga larawan, ikinuwento ni Bela na nakita niya ang dalawang babae na kinalkal ang bag na naiwan ng pasahero sa tren.
“They took the food inside and (I’m assuming valuable) things, and threw the backpack on the floor,” dagdag niya.
Binuksan ng mga babae ang container saka tumawa nang makita ang laman. “All I could think of was…whoever left their bag in Heathrow terminal will be hungry in his journey. Also the amount of time and effort of whoever packed the snacks are now wasted,” wika ni Bela.
Ayon sa aktres, gusto niyang kumprontahin ang mga babae pero natakot siya.
“And so I realized I was back in London where no one cares to report these things and no one will intrude when we see bad behaviour,” sabi pa niya.