Bea may ipinalit na kay Dominic?

APAT na buwan makaraang kumpirmahin na hiwalay na sila ng aktor na si Dominic Roque ay naka-move on na umano nang bongga si Bea Alonzo dahil may bago na umano itong dyowa.

“How true na may bago nang boyfriend si Bea Alonzo?” tanong ni Ogie Diaz sa kanyang latest Showbiz Update vlog.

“That’s good news! Ibig sabihin, naka-move on na si Bea kasi mayroon na siyang bagong boyfriend. Ni hindi nga natin nabalitaan noong kasagsagan ng panliligaw. Ang nakarating lang sa akin, mayroon na siyang bagong boyfriend,” ani Ogie.

Ayon pa sa nasagap ni Ogie, non-showbiz ang bagong nagpapatibok sa puso ng aktres.

“Parang half-Pinoy, half-foreigner,” dagdag niya.

Matatandaan na ibinunyag ni Bea na hindi siya ang nakipag-break sa fiancé na si Dominic Roque.

“Hindi ako ‘yung nakipag-break,” giit ni Bea.

“Let’s leave it in the past. It’s amicable. OK naman kami. I think it will be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it,” sey pa ng aktres.