Bea burado na kay Dominic

MASAYA na ang buhay ng aktor na si Dominic Roque ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

Sa isang event kamakailan ay natanong kung kumusta na siya matapos ang naunsiyaming kasal nila ni Bea.

“I’m okay,” ani Dom. “I’m actually happy.”

Dagdag ng aktor, maayos na ang lahat bagaman hindi niya idinetalye kung nag-uusap pa sila ng aktres.

“Everything is okay,” sey niya.

Abala ngayon si Dominic sa kanyang mga negosyo at pagpapabongga ng kanyang mga social media accounts.

Kamakailan lang ay tinulungan ng aktor ang Capinpin brothers para suyuin ang kanilang ina na nakatampuhan.

Mapapanood sa vlog na dinalahan ng malaking money bouquet ni Dom ang ina ng vlogger na si Ser Geybin.