WALANG problema kay Pangulong Bongbong Marcos ang naging pakikipagpulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping.
Idinagdag ni Marcos na umaasa siyang natalakay ni Duterte kay Xi ang mga insidente ng pagbuntot ng mga Chinese vessel sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Seas.
“I hope — I’m sure that he (Duterte) will have a — hindi naman report but I’m sure he will be able to tell us what happened during their conversation and see how thatna affects us,” sabi ni Marcos.
Aniya pa, makatutulong ang pagbisita ni Duterte para magkaroon ng progreso ang pagtalakay sa isyu ng West Philippine Sea.
“All of these things that we are seeing now, I hope na napag-usapan nila para naman magkaroon tayo ng progress. Kasi ‘yun naman talaga ang habol natin ay ipatuloy ang pag-uusap. Kaya’t I welcome any new lines of ngcommunication,” dagdag ni Marcos.