IKINAGALAK ni Pangulong Bongbong Marcos ang natanggap niyang “good” net satisfaction rating sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa December 2023 survey ng SWS na inilathala nitong Huwebes, lumabas na 65 porsyento ng mga Pinoy ang “satisfied” sa performance ni Marcos.
Nasa 18 porsyento naman ang “hindi satisfied” at 17 porsyento ang “undecided.”
“The resulting net satisfaction rating is +47 (% satisfied minus % dissatisfied), classified by SWS as good (+30 to +49),” paliwanag ng SWS.
Sa isang interview, sinabi ni Marcos na nasisiyahan siya sa positibong pagtingin ng mga Pinoy sa kanyang pamumuno.
“For people to feel the actual effects of what we are doing, I’m just happy that we are beginning to get to that point where people are seeing the wisdom of some of the measures that we’ve undertaken, the policy changes that we’ve made, the legislations that we have requested from the Congress,” sambit ng Pangulo.
Klinaro naman ni Marcos na hindi nakabase sa resulta ng survey ang mga batas at polisiya na isinusulong ng kanyang administrasyon.
“It’s always good news. But, you know, we do not conduct policy according to surveys. We will keep going and work even harder than we have been before,” aniya.