BINIGYANG-PUGAY ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga Pilipino na nagpamalas ng kanilang kabayanihan nitong mahigit na nakalipas na dalawang taon sa paglaban sa pandemya dulot ng coronavirus disease.
Sa pagdiriwang ng National Heroes Day, kinilala ni Marcos ang kabayanihan ng mga medical professionals, magsasaka, overseas Filipino workers, mga manggagawa, civil servants, mga unipormadong mangaggawa ng pamahalaan at maging mga ordinaryong mamamayan.
Anya dapat alalahanin ang “countless men and women of extraordinary courage and valor who fought and sacrificed to establish and preserve this nation.”
“We remember and honor each of them for the sacrifices they made in our behalf so that we may live in peace, security, and liberty as well as realize our full potential as Filipinos,” dagdag pa ni Marcos.
“We must never forget them as their legacy of heroism lives on in the hearts of our medical professionals, civil servants, uniformed personnel, and ordinary citizens who toil daily to keep the Filipino dream alive,” ayon pa sa pangulo.