Bawas singil sa Meralco sa Oktubre

INANUNSYO ng Manila Electric Company (Meralco) na may bawas singil sa kuryente ngayong Oktubre.

Sa isang kalatas, sinabi ng Meralco na magbabawas ito ng P0.3587 per kilowatt hour (kWh) o overall rate na P11.4295 per kWh mula sa kasalukuyang P11.7882 per kWh na singil nitong nakaraang buwan.

Ibig sabihin, kung ang isang household ay kumukonsumo ng 200kwh sa isang buwan, asahan na ang tapyas na P72 sa billing sa Oktubre.

May P108 tapyas naman sa mga kumukonsumo ng 300kwh; P143 sa 400kwh; at P179 sa 500kwh.

Ang tapysa sa singil sa kuryente ay bunsod ng pagbaba ng generation at transmission charge.