Bato hindi nagtatago; ready sumama kay Digong sa The Hague

ITINANGGI ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na siya ay nagtatago matapos maaresto si dating Pangulong Rodrio Duterte nitong Martes.

Sa katunayan, handa umano siyang samahan si Dutere sa The Hague, Natherlands kung saan dadalhin ang dating pangulo para doon sagutin ang akusasyon crimes against humanity sa International Criminal Court bunsod ng madugong war on drugs noong panahon ng kanyang administrasyon.

Inilabas ni Dela Rosa ang pahayag matapos ibasura ng Korte Suprema ang hiling nilang temporary restraining order matapos ang pagkuwestyon nila ni Duterte hinggil sa warrant of arrest na inisyu ng ICC laban sa dating pangulo.

“If all legal remedies are exhausted and still justice is to no avail, then I don’t want my family to suffer from cops looking for a heartbeat. I am ready to join the old man hoping that they would allow me to take care of him,” pahayag ni Dela Rosa.

Matatandaan na bukod sa petisyong isinampa ni Dela Rosa sa Korte Suprema ay hindi ito makontak sa kasagsagan ng tensyon dala ng pagkaaresto ni Duterte.

Una na ring sinabi ni Dela Rosa na siya ang ikalawang akusado sa isinagawang imbestigasyon ng ICC hinggil sa war on drugs, dahil siya noon ang hepe ng Philippine National Police at nanguna sa pag-implement ng programa.