PORMAL nang pinirmahan ni Pangulong Duterte bilang ganap na batas ang Republic Act 11596, na nagbabawal sa child marriage sa Pilipinas.
Sa ilalim ng RA 11596, mananagot ang mga indibidwal na magkakasal sa mga menor-de-edad.
“The state recognizes the vital role of the youth in nation-building and promotes and protects their physical, moral, spiritual, intellectual, and social well-being,” sabi ni Duterte.
Nahaharap sa kulong na prision mayor at multang P40,000 ang mga sangkot sa child marriage.