Bata sinampal ng ama ng kalaro, tenga dumugo

SASAMPAHAN ng reklamo ang lalaki na nanampal umano ng bata na nang-agaw sa laruan ng kanyang anak sa Umingan, Pangasinan.

Dahil sa lakas ng pagsampal ng hindi-kinilalang suspek ay dumugo ang tenga ng bata at kinailangang ipasuri sa ospital.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sinugod ng suspek ang biktima bago paulit-ulit itong sinampal noong Biyernes ng umaga.

Bago ito, umuwi ang anak ng suspek at nagsumbong na inagaw ng biktima ang kanyang laruan.

Desidido naman ang pamilya ng biktima na sampahan ng reklamo ang suspek.