Bata nasakal sa nilalarong straw, patay

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang 7-anyos na batang babae makaraang masakal umano ng nilalarong plastic straw sa Kanlaon City, Negros Oriental.

Ayon sa ulat, katatapos lang mananghalian ng pamilya nang lumabas ang bata para maglaro nitong Huwebes.

Makaraan ang ilang minuto ay hinanap ng ina ang bata. Laking-gulat niyang nang makita na namumutla na ang anak habang nakapulupot ang leeg sa plastic straw na nakasabit sa dingding ng bahay.

Agad kinalas ng ina ang tali at isinugod sa ospital ang bata.

Giit naman ng ina, hindi nagkitil ang anak gaya ng mga lumalabas na ulat.

Hindi rin aniya ito pinagalitan.

Isasailalim sa autopsiya ang bata.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para madetermina kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.