Bata nahulog sa kaldero ng mainit na batchoy, nasawi

MALAGIM ang naging katapusan ng isang batang lalaki na nahulog sa kaldero ng kumukulong sabaw ng batchoy kamakailan sa Carles, Iloilo.

Ayon sa ulat, nagtamo ng fourth-degree burns sa katawan ang dalawang-taong-gulang na biktima. 

Naitakbo pa sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City ang biktima pero hindi na ito umabot nang buhay.

Sinabi ng ina na nagluluto siya ng batchoy bilang pandagdag sa kanyang paninda sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Pantalan. 

Pumasok lang siya saglit ng bahay pero paglabas niya ay nasa loob na ng kaldero ang bata.

Ayon sa pulisya, posible na habang naglalaro ang bata malapit sa kaldero ay nahulog ito.

Itinawid ng dagat ng ina at mga kapitbahay ang paslit pero dahil mahigit isang oras ang biyahe ay bumigay ang katawan nito.