Bata kinalas saranggola sa puno, nakuryente

PATAY ang batang lalaki na nakuryente habang kinakalas ang saranggolang sumabit sa puno sa San Carlos City, Pangasinan.

Base sa ulat, nakita ng mga kapamilya ang 12-anyos na biktima na walang malay sa puno malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Duyong nitong Miyerkules.

Bago iyon, umakyat sa puno ang bata para kunin ang saranggola na sumabit sa sanga.

Aksidente umanong nahawakan ng biktima ang live wire na nakasampay sa puno kaya ito nakuryente.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima.

Napag-alaman na kamamatay lang din noong Mayo ng ama ng bata.