Bata, 2 pa todas sa banggaan; 7 sugatan

NASAWI ang tatlo katao, kabilang ang 9-anyos na batang lalaki, sa salpukan ng dalawang sasakyan sa Tiaong, Quezon nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina Leo Dizon Montecalbo, 9; Angelou Palacio, 17, at Guillermo Catamco Jr., mga pasahero ng van na minamaneho ng isang Emgee Compuesto.

Ayon sa ulat, nag-overtake ang van sa isang SUV na minamaneho ni Francis Ramos, 56, ng Brgy. Bukal, Pagbilao, Quezon.

Pero bumangga ang van sa SUV bago sumalpok sa paparating na Bicol Isarog bus na minamaneho naman ng isang Anthony Sambrano Nazareno, 34, mula sa Catanduanes.

Nagpapagaling na sa ospital ang iba pang sakay ng van na sina Nasser Lominog, 34; Lenie delos Reyes Dizon, 52; Sandy Reyes Flores, 13; Jean Cabacus, 12; Rex Cañete, 27; Eric Atienza, 51, at Roshan Pelayo, 3.