Basura dahil sa face mask mababawasan

SINABI ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na inaasahang mababawasan ng 50 porsiyento ang basurang idinudulot ng mask matapos payagan ni Pangulong Bongbong Marcos na gawin na lamang opsyonal ang pagsusuot nito sa mga open spaces.

Sa isang press conference, sinabi ni DENR Environmental Management Bureau (EMB) Director William Cuñado na inirerekomenda rin ng ahensiya na magsuot ng mga reusable mask.

“Assuming at least 50 percent of the population will not use face mask, that will be a good contribution in terms of the reduction of the solid waste or infectious wastes,” sabi ni Cuñado.

Nauna nang ipinalabas ni Marcos ang Executive Order (EO) 3 kung saan magiging opsyunal na lamang ang masks sa open spaces.

Aniya, mababawasan ang mga mask na dinadala sa mga sanitary landfill.