Barge sumadsad sa Navotas dahil kay ‘Enteng’

SUMADSAD ang isang barge sa Pondohan, Tangos North, Navotas City, Martes ng umaga, bunsod pa rin ng malakas na pag-ulan dala ng bagyong Enteng.

Sa situation report, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nakatambay ang Barge Karangalan 2 sa San Miguel Corporation (SMC) Shipping and Lighterage Wharf sa Tanza, Navotas City, nang masira ang lubid nito dahilan para ito pumalaot.

Madali naman itong nasaklolohan at nai-tow sa ligtas na lugar.

Nang nasa Tanza, Navotas na, umusod pa rin ito nang umusod sa mababaw na lugar sa Pondohan dahil sa lakas ng hangin.

“The PCG continues to monitor the aground vessel and will conduct boarding inspection as soon as weather permits,” ayon sa Philippine Coast Guard.