Barbie, Richard sabay mag-gym; couple na ba?

ITO ang tanong ng publiko makaraang mag-viral ang mirror selfie na ibinahagi ni Barbie Imperial sa kanyang Instagram story.

Kuha ang larawan sa gym kung saan makikita sa likod ni Barbie ang isang lalaki na kamukha ni Richard Gutierrez.

Wala namang inilakip na caption si Barbie at hindi rin naka-tag si Richard.

Bago ito, naispatan na namamasyal sina Barbie at Richard sa South Korea.

Noong January ay nakita rin ang dalawa na magkatabi sa isang gastropub. Ayon sa mga saksi, todo ang pag-alalay ni Richard kay Barbie na kahit nang pumasok sa banyo okang aktres ay nakabantay sa labas ng pinto ang aktor.

Noong March, nag-share ng photos sa social media accounts ang dalawa na tila kuha sa iisang resort.

May ilan namang naniniwala na kaya nakikitang magkasama ang dalawa ay dahil may gagawin silang proyekto.

Tahimik ang kampo ng dalawa ukol sa mga naglalabasang chika na may namamagitan sa kanila.