ISINAILALIM sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec) ang buong lalawigan ng Negros Oriental para matiyak ang ligtas at payapang barangay at Sannguniang Kabataan elections sa Oktubre.
Ayon kay Comelec Chair George Garcia, unanimous ang desisyo ng Comelec na ilagay sa Comelec control ang lalawigan bunsod ng alegasyon na magiging magulo rito sa darating na halalan dahil sa nangyaring pamamaslang kay Governor Roel Degamo noong Marso at iba pang violent incidents.
Una nang inirekomenda ang pag-suspinde ng halalan sa probinsiya dahil sa pagpatay kay Degamo at siyam na iba noong Marso, at ngayon ay itinuturong nasa likod ng pamamaslang ay ang sinibak na si Rep. Arnolfo Teves Jr.