Site icon Pinoy Publiko

Barangay chair, 2 pa binoga sa flag raising ceremony sa Cavite, patay; suspek nagkitil

NASAWI ang isang barangay chairman at dalawa pang kagawad habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos silang pagbabarilin sa flag-raising ceremony sa Cavite nitong Lunes.

Ayon sa Cavite Police Provincial Office, naganap ang pamamaril alas-9 ng umaga sa Barangay hall ng Salitran III sa Dasmariñas City.

Habang nasa loob ang mga biktima at isinasagawa ang seremonya, bigla umanong sumulpot ang suspek at bumunot ng baril saka pinagbabaril ang mga biktima.

Kinilala ang mga nasawi sa mga alyas na “Raul”, “Jose” at “Marvin” at ang sugatan na si “Christine”.

Nagbaril naman ang suspek na si “Ariel” matapos ang pamamaslang, ayon pa sa ulat.

Pawang mga residente ng Barangay Salitran III ang mga biktima at suspek.

Patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon hinggil sa malagim na pangyayari.

Exit mobile version