Bangkay nakabalagbag sa footbridge

INAALAM pa ng pulisya ang ikinamatay ng lalaki na natagpuan sa isang footbridge sa Edsa, Caloocan City nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat, nadiskubre ang walang-buhay na katawan ng lalaki sa gilid ng footbridge sa panulukan ng Edsa at A. de Jesus st.

Nakasuot ang lalaki ng t-shirt, asul na shorts, at tsinelas.

Isasailalim sa autopsy ang bangkay para madetermina ang ikinamatay nito.

Ayon sa imbestigador, hindi agad napansin ng mga street dwellers na nakatira malapit sa footbridge ang katawan ng biktima.