TULUYAN nang sinibak sa tungkulin ang suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Sa order na inilabas ng Ombudsman nitong Agosto 12, sinbak si Guo dahil sa grave misconduct.
Iniutos din nito na i-forfeit ang lahat ng retirement benefits ng dating alkalde at perpetual ban sa kanya na makahawak ng posisyon sa gobyerno.
Ang umano’y involvement ni Guo sa operasyon sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kanyang lugar ay nagpapakita ng “willful intent on her part to violate the law or disregard established rules,” ayon sa Ombudsman.
“The series of acts are interconnected, leaving no other conclusion than that they were committed by Guo with ulterior motive or self-interest.”