Bamban Mayor Alice Guo suspendido

PINATAWAN ng anim na buwan nq preventive suspension ng Office of the Ombudsman si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, epektibo ngayong Lunes, Hunyo 3.

Nag-ugat ang suspensyon sa reklamong graft laban kay Guo na isinampa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa pagkakaugnay niya sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa kanyang bayan.

Dahil wala sa kanyang taggapan, isinilbi ang utos laban kay Guo sa Municipal Administrator.