INIUTOS ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro ang pagpapaliban ng klase, sa pampubliko at pribadong paaralan, sa Lunes, Huyo 29 sa Agosto 5.
Sa isang panayam sa radyo ngayong Biyernes, sinabi ni Teodoro na iniurong ang pagbubukas ng klase upang mas makapaghanda ang mga mag-aaral, mga guro at mga magulang matapos ang matinding pagbaha na naranasan ng syuday bunsod na malakas na pag-ulan dala ng bagyong Carina at habagat.
“Nakita rin natin maraming estudyante handa na yung mga gamit, nalubog sa tubig baha at putik, napakasakit. Kanina meron akong nakausap na magulang umiiyak, akala ko ano dahilan. Hindi niya malaman kung saan siya kukuha ng pambili ng gamit ng anak niya sa eskuwelahan,” ayon kay Teodoro.