ISINIWALAT ngayong araw ng isang eksperto na ligtas ang pinaghalong dalawang vaccine brands laban sa Covid-19.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Philippine Foundation for Vaccination executive director Dr. Lulu Bravo na nagsasagawa na ng mga pag-aaral kung epektibo at ligtas ang magkaibang brands ng vaccine na ibibigay sa isang indibidwal.
“Actually, it remains to be investigated. But there is no harm. In general, maraming mga nangyayaring ganyan, even before, hindi lang dito sa maaaring mangyari sa Covid” sabi ni Bravo.
Dahil sa kakulangan ng bakuna sa bansa ay pinag-iisapan ng nga otoridad na gumamit ng ibang brand para sa ikalawang dosage ng pagtuturok.
“Yes, may possibility talaga na mag-iiba kung ang ginamit mo ay ibang bakuna. Sabi nga natin, posibleng magdagdag ka ng efficacy or tumaas, posible rin na bumaba or posibleng the same, it remains to be seen. Pero hindi masama, hindi makakasama kung makapag-iba ka or mabago,” dagdag ni Bravo.