Bahay ni Karla hindi puwedeng bilhin ng kung sino-sino

INAMIN ni Karla Estrada na dalawang taon na sa market ang bahay niya sa Quezon City pero hindi pa niya maibenta dahil pinipili niya ang bibili.

Ang bahay na tinirahan ni Karla noong 2014 ay katabi ng bahay ng anak na si Daniel Padilla.

“Two years nang for sale ito, pero hindi lang namin push na push. Kapag may gusto lang, tsaka namimili ako e kung sino ang pwede dahil ako talaga nagagandahan sa bahay ko na ito, pero masyado nang malaki para sa akin mag-isa,” aniya.

Ayon sa actress-host, may ilang rason kung bakit niya ito binebenta bukod sa mag-isa na lang siya sa bahay.

“Gusto kong mag-south ngayon kasi nandoon ang mga friends ko,” sey niya.

“Para sa akin, kung mag-umpisa man ako ng kung ano man ang uumpisahan natin sa Region 8 e malapit na ‘yung south, malapit na sa airport,” dagdag niya.