Bahay inararo ng truck; mag-ina, 1 pa dedbol

TATLO katao, kabilang ang mag-ina, ang nasawi nang araruhin ng 10-wheeler truck ang apat na bahay Dinalupihan, Bataan, kamakailan.

Ayon sa ng pulisya, dead-on-the-spot ang mag-inang Glenda at Roxanne Agustin, 50 at 28, mga residente ng Purok 5, at motorcycle rider na si Eunice Ann Gonzales, 26, kawani ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Lumabas sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang truck na minamaneho ni Billy Jo Villoria, 23, at bumangga sa motorsiklo na minamaneho ni Gonzales.

Pauwi noon si Gonzales sa kanyang bahay sa Brgy. Rizal, Olongapo City.

Dumiretso naman ang sasakyan sa bahay kung saan natutulog ang pamilya Agustin.

Tumakas si Villoria habang nasa kustodiya na ng Dinalupihan police ang pahinante.