Bagong SRP sa asukal ilalabas ngayong linggo

SINABI ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista na nakatakdang maglabas ang DA at Sugar Regulatory Administration (SRA) ng suggested retail price (SRP) sa refined sugar sa gitna ng tuloy-tuloy pa ring pagtaas ng presyo nito sa merkado.

“Tuloy-tuloy ang meeting with the SRA officials, para ma-control ang price, kasi ang objective to make the sugar is available in the market and make sure tama presyo.

Ito’y matapos namang umabot sa P134 kada kilo ang asukal sa isang supermarket, base sa naging monitoring ng SRA. 

“So ang pakikipag-usap namin is a first of a series and will come up with a price that is amenable to all our stakeholders. Ito ay pinangunganahan ng ating SRA,” dagdag ni Evangelista.

Idinagdag ni Evangelista na inaasahan na ang pagdating ng mga inangkat na asukal na aabot sa 150,000 metric tons ng asukal.

“Nagsimula na rin ang ating mga millers, so meron na rin tayong local sugar,” aniya.